bulletin 6/27/04
9:04am
Open letter from ian(",)
Martes nanaman nasa opisina nanaman ang inyong lingkod. Nagtatrabaho at nag iinternet once in a while habang naghihintay magbukas ang files sa Photoshop. Nag-absent ako kahapon sa opisina. At ang post na ito ay tungkol sa mga ideyolohiya, pananaw at tunay na pangyayari sa makulay at interesante(?!?) kong buhay na narealize ko kahapon....
I never felt better... pag di ka pala pumasok sa office ng monday ibang rejuvination ang magaganap sa iyo... nakakapag-isip ka ng mabuti at medyo masarap sa pakiramdam.... Once in a while we need not to care about anything else and think about ourselves naman. I felt so good. I never knew I was not just ordinary.There are so many people that can make you feel so special, so wanted, and so loved. Just say "thanks" to them to express your gratitude and smile. Sometimes simple words make someone's day a little easier. Don't take it from me, try it!
Masaya ang mabuhay furthermore, maikli lang ang buhay... masyadong maikli para gugulin ito sa pag-aalala at pagiging malungkot. Hehehe well, minsan dumadating yung time na napapraning ka na na sana hinihiling mo na pwede kang i-reformat gaya ng PC para magsimula nalang uli. Iba ang tao sa PC, kailangan nating maranasan ang lahat ng nangyari sa atin, makilala ang mga taong nakilala natin at mapuntahan ang mga lugar na napuntahan natin para sa isang dahilang di pa natin kaagad malalaman. Depende na sa atin kung paano natin mapapahalagahan ang mga nangyari sa buhay natin.Masaya man o malungkot na bagay ang maganap ay maituturing na ito ang pundasyon kung ano tayo ngayon.
Ako.... eto ngayon 20 na ako mag-21 sa september 13...debut ko na (sana me handaan hehe). Ako yung taong nagmamadali minsan at nahihirapan sa pagharap ko sa tunay na buhay. Mahigit isang taon na mula ng iwan ko ang unibersidad. Sa mga di pa gumagraduate ay isa lang ang masasabi ko. Iba ang buhay sa unibersidad at sa propesyunal na mundo. Sa UE ako ang lider, president, at namumuno ng kung anu-ano, in a way i felt like ako ang boss. Ang problema lang dati na iniisip ko e exams, plates, group works at kung aabot ako sa paborito kong palabas pag-uwi. Nagbago ang lahat nung nagsimula akong magtrabaho, 2 weeks before the graduation. Napagtanto ko na mahirap pala talagang kumita ng pera at makuntento ng sabay. Hindi pala madali ang landas patungo sa mga pangarap ko... parang biglang naiba ang nangyari sa inaasahan ko. Ito ang simula ng realidad sa aking buhay.
People usually say that i'm idealistic, optimistic and full of life. Palagay ko ay mananatili akong ganito hanggang nandito ang mga importanteng tao sa buhay ko. My family, relatives, friends, colleagues, professors, teachers, and all the people that helped and loved me back since then, sila ang mga taong di ko kayang mawala. Sa kanila lang naman ako kumukuha ng inspirasyon e.
Lovelife? Hmm ano yun? hahaha nakakatawa pero ala pa ako nun, since birth. Well ewan ko ba? Ang iniisip ko na nga lang minsan e baka nag eexist ako para maging mabuting kaibigan ng lahat... nothing more nothing less. Actually I really don't mind much about it until finally may mga kaibigan akong nagbigay ng extra effort para iparealize sa akin na dapat meron akong luvlife. Nagtagumpay sila at medyo I felt sad about it. at nagawa ko ang isa sa pinakamalaking pagkakamaling maaaring magawa ninuman. Nailabas ko tuloy ang tendency ko na makipagpilitang gumawa ng relasyong di matibay ang pundasyon... tsk!tsk!tsk! ayun accidentally inlove nga ang drama ko nun e...hahaha.... I never thought I'm capable of feeling that "thing" for somebody. Nga pala wala pa rin akong first kiss hanggang ngayon... akalain mo yun, miski nga ako di makapaniwala e. Ok iwan na natin ang topic na ito at mag move on. (Hindi talaga ako mahilig sa love story!)
Magkaminsan ay humihinto ako narerealize ko din na di ako dapat magmadali at maghinay-hinay lang dahil sabi nga nung isang writer sa article nya e " kung masyado kang magmamadali patungo sa isang lugar ay makakaligtaan mo ang saya ng dahan dahang pagtungo doon", which makes sense... actually english yung saying di ko lang maalala yung exact terms... hehehe. So at the moment i'll just seize the day and hope that a day will come that I can say to myself that " I've made it!".
ian(",) here, just thingking aloud!
God bless you all guys!