[ravenfox renaissance - home of pulsar2v] [a piece of the real me published online] [la vida es un sueño]
Thursday, August 19, 2004
THE EVOLUTION OF MY SKETCHES
The Artist ian true to life drawings
Tulad ng sinabi ko nung nakaraang posting ko eto na yun. Ito ang nagpapatunay na me improvement talaga na nangyayari sa ating lahat. So all aspiring artist dyan just practice and you’ll see. I really hope na mapasok ko ang comics industry ( yun naman talaga ang gusto ko e, dati pa).
History note: Ang aking Lola Gare (my mom’s mother) used to lend comics for a living. Ang komiks tulad ng Bata-batuta, Funny Komiks, Aliwan, Tagalog Klasiks, Happy, atbp. ay ilan sa mga komiks na nagturo sa aking bumasa at magdrowing. Mas mahilig ako sa mga tuluyang komiks dati (yung parang soap opera ang tema). The first illustrations I did as far as I can remember was drawn in flyleafs of books. Sa mga nursery books ko (nakita ko nga yung isa several months ago) ang title pa nung nandun e “Ang babaeng nakaitim”. Ang sistema nung komiks ko dati e walang balloons. In short, kailangan katabi mo ako pag babasahin mo ang komiks dahil ikukuwento ko yung nangyayari sa drowing. Sayang at hindi ko naipon yung mga drawings ko simula nung bata ako. Marami na sigurong notebook, kahon ng sigarilyo, papel at librong napagdrowingan ng inyong lingkod. Most of my artworks ay nasa mga kaibigan ko. I usually give them as gifts since elementary (minsan personalized cards minsan mga illustration board size). So pag sumikat ako maswerte yung mga nabigyan ko ng artwork ko dati pa kasi priceless nay un (sana nga sumikat ako…).
Let’s start the evolution drama… nagpunta si meann last time sa bahay dun ko naisip na gawin ang blogpost na ito. Nakita ko yung isang notebook ko from highschool na technically kay mean kasi hiningi ko sa kanya yun.
Pulsar (1997) – Well since nung elementary ko pa ginawa ang story nito, saying at nawala yung unang-unang drawing ko nito it was like grade 5 ako nun. Ang nandito ngayon e gawa ko na nung highschool na ako. Ang istorya nito ay parang bishoujo ang theme (pang sailormoon ang dating). Sa isang bahagi ng kalawakan ay mayroong isang sibilisasyong iba sa atin. Atlantis ang pangalan ng lugar na iyon. Mayroon doong isang kristal na nagpapanatili ng balanse ng planeta. As usual may mga kalabang nais kunin yun at muntik na silang magwagi. Ang prinsesa ng planeta ay ginamit ang life force nya para hindi makuha ni Ariana(yung kalaban na sorceress) ang kristal. Naghiwahiwalay ang crystal to several pieces. Each crystals are capable of controlling a certain power of the elements. Napunta ang mga crystals sa Earth (oo dito nga, sa iba’t ibang panig ng mundo). Si Jennifer yung bida sa kwento na pag nagpalit ng anyo ay magiging si Pulsar. Nakilala ni Jen si Bubot (boo-bot) ang rabbit na naatasang maghanap sa mga crystals ni prinsesa Persimmon. (Next time ko nalang kwento yung rest ng story… pag me nagrequest nalang. At baka humaba masyado ang post na ito.)
Dati nagagandahan na ako dito. As in proud na ako. Ilang kaibigan ko rin ang nakabasa ng komiks na ito. Dati pag nagdrowing ako e walang lapis-lapis derecho bolpen. At walang plot sige lang ng sige tuloy tuloy kumbaga. Takot nga akong magdrowing nuon ng mga kamay (mahirap kaya yun). Tapos nakatapos ako ng isang notebook ang sumunod ay entitled “Pulsar II – The Voyage(1998)” eto yung sequel nung unang book nasa Atlantis na ang setting ng storya nito. Me pangatlong notebook “Pulsar III – The Crystal “ – eto yung wakes nung trilogy. Kaya lang di ko mahanap yung notebook sa ka naisip ko uulitin ko na lang uli ang komiks na ito mula sa umpisa.
Pulsar (Rebirth) 2000– kung akala nyo e isa itong bagong kabanata nuon well hinde. Inayos ko lang yung story kasi college na ako nung ginawa ko ito kaya medyo maayos na ang layout at proportions ko ng konti. At surprise!!! May kamay na sila at full body shots with background na naka perspective. Sa kasamaang palad ay hindi ko ito tinuloy dahil napagdesisyunan kong ulitin ito uli sa sketch pad naman. Sa half oslo paper ko lang kasi ito dinrowing. Medyo mas malinis na ang storya at pilit kong inilalayo na maging katulad ito ng sailormoon or dragonball z (eto kasi yung naka influence sa komiks ko before e).
Matagal din bago ako nagdrowing uli ng komiks. Ciempre araw araw ba naming drowing ang ginagawa ko e (Fine arts student kasi ako). One day, may pumasok sa isip ko na ideya. “Why not make a story na puro lalaki naman ang bida?”. Mahina kasi akong magdrowing ng male figure parang itinuring ko nalang na praktis ito. Ito ang simula ng “SilverBlade”.
Silverblade (May 2002) – Ang setting nito ay Arcasia, isang lugar na kung saan mayroong mga kabalyero, palasyo, mahika, halimaw at ibang iba ito sa Atlantis*. May dalawang legendary sword sa lugar na iyon. Ang Silverblade na may kapangyarihang kumukuha ng lakas sa Silverblade phoenix(tagapangalaga ng buhay) at ang Dark Slash na kumukuha ng lakas sa Dark stone Dragon( ang elemento ng pagkawasak). Si Kida na mula sa angkan ng mga magigiting na mandirigma ang nakatakdang magmay-ari ng Silverblade. Kasama nya sina: Ishima – ang mandirigmang mula sa Hidden Reefs mula sa lahi ng water tribe: Ahmed – mula sa Mauve city, dating tambay at kinatatakutang lider ng gang sa siyudad.: at si Shaine – mula sa Enchanted plateau na kung saan dito nakatira ang pinakamagagaling na wizards at sorcerers. Dun nagsimula ang istorya…
Silverblade (Dec 2002) – ang pangalawang sketchpad ay tungkol sa mga nakaraan ng ating bida. Christmas vacation ito kaya ko naasikaso. Tulad nung unang sketchpad na ginawa ko naman nung isang buwang bakasyon ng May. Medyo seryoso na ang istorya dito. Pinapaliwanag kung ano ang dahilan bakit ganito ang ugali ni ganito at bakit masama si ganun.
Silverblade (April 2003) – ang pangatlong sketchpad ng silverblade series. Dito mas lumilinaw na ang istorya at mas tumitindi ang aksyon. Last year ko pa ito nasimulan at di ko pa naitutuloy dahil sa me trabaho na ako. How I hope I can finish yung mga komiks na sinisimulan ko.
Marami pang ibang mga komiks na di ko na isinama dito. Seasons – tungkol sa isang babaeng nakakapaglakbay sa iba’t ibang dimensyon na kung saan ay mayroong nagpapatibok sa puso nya. Love story/adventure ito kaya di ko matapos (Hindi kasi ako mahilig sa love story). Mr. C – ito yung tungkol sa isang artist na nagngangalang Ian na nakatagpo ng isang genie na nagbigay sa kanya ng kakaibang powers. Kaya nga lang pag nagkakaroon sya ng powers e nagiging si Mr. C si Ian. Si Mr. C ay isang tila bolang hayop na may buntot na tulad sa isang lobo at dilaw na balahibo.
Hanggang dito nalang ang post na ito. Medyo mahaba pero sana nag enjoy kayo sa pagtingin at pagbasa. If you are interested to see the comics in person or just want to see this hottie (ako yun) ay try to contact me. I’ll be glad to share my world with you guys. Di ko nilagay yung story kasi mahirap na hindi copyrighted ang mga ito. Nawa’y walang gumamit ng mga pangalan at istoryang nabanggit sa taas dahil pag nangyari yun… ( you don’t wanna know…hehehe). Sa future pag nabigyan ako ng break malay natin mapublish ang isa sa mga kwento ko. God bless you all guys! Ian(“,) here!
Nagtambling nanaman si noong Thursday, August 19, 2004
saturn June 28, 2007 02:35 AM PDT O_O wow, ganda ng mga storya at ng mga drowing din...(got this from ur multiply link)...panget ako mag-drowing ng kamay eh..ehehe, buti ka pa MAGALING ka mag-drawing, ako di naman eheh..but tahnks for da encouragement...^_^
tintin December 1, 2006 12:21 PM PST Hi ian! shocks so cute! Hope i could do something lyk dat too! True artist k nga,,ako fake,,heheh!!! Glad to be your friend! Keep on showing your talented blessings to others,,,malay mo becoz of u nakainspire k ng mga ongoing "true" artist like you,,nakz!
God bless Ian! Wag k mapagod kakastudy! thats a fortune to be treasure!
pSyLeNtSpYdEr November 4, 2005 03:57 PM PST grabe ang galing mo....apply akong colorist jan!! di mo tinatapos ang colors eh!! weheheheh!!
Rodel Timbreza September 8, 2005 12:25 PM PDT :P Wahhh..cute ng Pulsar mo...ala-Sailor Moon ang dating eh,.,,,parang iyong story ko din dati na ala-Sailor Moon...kaya lang, they are the 12 Zodiac Princess Warrior...pero ang bida,,,si Zodiac Leo.. tee he he.
Marvash March 16, 2005 08:14 AM PST wow!! galing talaga!!!
plue August 24, 2004 04:43 PM PDT nakakainis kana. ang galing. ahuhuuh wala naaaaaa.. patay na ako.. ahuhuuhh
aprub! >:D< ayos yung story. nakakarelate naman ako sa name na jennifer. baket kaya? :D
tama ka. nag dedevelop tlaga ang mga works naten over time. ay sayo lang pala. di ako kasali. ahihh
meann August 19, 2004 10:51 PM PDT wehehe.. hindi ka talaga magaling magdrowing ng kafafahan.. mukhang mama pa din.. hihihi... dapat ni-close-up mo ung matatangos na ilong.. matutulis na ilong... mahahabang matutulis at super-pointed na ilong.. =P
trish August 19, 2004 08:33 PM PDT ANG GANDA!!! nainggit ako!!! parang gusto ko din magpost ng mga drawings ko..kaso pag may scanner na ako..poor lang kasi kame. PRAMIS ANG GALiNG mo magdrawing!!! maganda din ung pagkaka kulay! *apir* :)
EDONG August 19, 2004 07:01 PM PDT ASTEEEEEEG! Ang gaganda, sana ganun din ako kagaling magdrawing, gusto ko sanang gumawa ng sarili kong manga comics eh kaya lang parang tae ang itsura ng mga drawing ko. Pero as you have said, nagiimprove ang tao(medyo ok na ang drawing ko, tnx to 2 manga books na pinag-aralan ko), pero hindi ko na pinagpatuloy, tamad talaga kasi ako in nature. May feeling ako na sisikat ka balang araw(as an artist), just be reminded of these 3 important things: enthusiasm, confidence and persistence. Gagawa sana ako ng sarili kong comics na ako ang bida tapos puro PAEPAL lang at PAKUPAL ang mga scene, ako palagi. WEHEHE, sinumpong na naman ako!
ian(",) August 19, 2004 05:52 PM PDT feel free to comment on my drawings!!!!
[21][professional artist] [taga-malabon][walang probinsya] [nakakatatlong trabaho na (technically)]
[pagod at puyat madalas] [anime fan][telebabad][panganay] [Virgo][September13][Neptune]
[dolphins][spaghetti][panda] [playstation][arcade]
[adobe][corel][YM] [painter][Singer?!][writer][dancer?!] [single hanggang ngayon]
[kaibigan ng lahat] [world domination...heheheh]
[oxygen men's line designer][natatamad at the moment]