[ravenfox renaissance - home of pulsar2v] [a piece of the real me published online] [la vida es un sueño]


Monday, August 23, 2004
The gifted individuals that made me do blogging!

Nandito ako sa blogworld ngayon dahil sa mga taong ito. Meann introduced me to this world. Nung una di ko masyadong inintindi ito. Dati kasi ay may webpage narin ako sa freewebs na di ko naasikaso. Then Chris (an anime guy from Buklod Sining) told me to make my own blogsite kasi masaya daw at madali. Ayun I tried to make one sa Xanga. Di ko rin naasikaso yun dahil di ko alam kung saan ako kukuha ng URL ng images na gusto ko. Then I met this extraordinary girl name Maris. Nung nakilala ko siya nagkatinginan kami ng mga portfolio. She told me I should be doing blog. Share my works to other people. I told her that I have no idea in doing websites and html coding. Sabi nya sa akin “Kaya mo yun. Ako nga dun lang ako natuto e.” Then I tried making one the next day I was in the office. I’m so excited and I told Meann about it. Ayun nakakatawa nga e. Ang unang itsura ng blogsite ko e putting-puti. So nung nakita ni Meann shocked siya. She was very supportive about it. Tuturuan nya daw ako. Then, nagulat ako at may nagtag sa board ko named kulokoy. Taka kami ni Meann kasi siya lang ang nakakaalam na mayroon na akong blog. Medyo natuwa naman ako dahil me nakakapansin pala dun kahit simple lang. I started changing its color theme to black. After that I took advantage of the theme and made it look to feel personalized. I used my so called “artistic talents” and naisaayos ko ang look ng blog ko in a span of a day. The next day Meann went blog hoppin’ she saw the “big” difference. Since then I almost forgotten Friendster existed. Bihira ko ng i-check yun di kagaya dati.

 

Starting blogging was easy but updating, making posts, redesigning, and suprising your readers was a bit challenging. History wise marami akong bagay na hindi naitutuloy pag nasimulan ko. To date it’s almost a month since I started. Isa lang ang masasabi ko. Enjoy ang blog! Here are the gifted individuals that made me stay blogging.

 
  Meann - tulad nga sinabi nya sa post niya last time e dapat di na naming sinasali ang bawat isa sa acknowledgements dahil magkakilala kami in person. As in we’re very great friends. Though I feel na pag ang topic e itong topic ko ngayon Meann is on the top of the list. Very supportive siya. Mostly yung mga ka-blog ko e nakilala ko through her blogsite. We are even planning for a joint project. Watch out for that! Thanks Menggay for everything. No space in my blogsite can even contain the amount of appreciation I wanted to give to you. (By the way it’s Meann’s birthday sa September 4 and she’s turning 19 heheheeh!

 

Kulokoy – Si Carlo ang kauna-unahang taong naglaan ng kaunting oras para puntahan ang blogsite ko. I truly appreciated what he did. I was even inspired by his blogsite na I really find so interesting. He has the coolest pictures of the real him. We share the motif black. I hope to get acquainted with this guy soon. Parang kwela at masayang kasama kasi (Actually magpapaturo sana ako ng ibang techniques sa kanya… heeheh).

 

Maris – As I said. She is one of the people who are not afraid to share their knowledge to others. Supportive din sya. She’s always there to help when I’m freakin’ out about something. Thanks sa lahat Maris. I owe you a lot!

 

  Plueness – Si plue, oo siya nga isa rin ako sa biktima ng charms ng batang ito. Meann introduced me to her and it was a big blessing. Minsan katext, minsan ka chat, minsan kakulitan sa blog yan si plue. Hanggang ngayon nga e ayaw paring sabihin ang tunay nyang pangalan (siguro hmm… nevermind). Interesante ang batang ito. Wala kang makikitang picture nya na may mukhang nakaharap. Kundi nakatalikod ay nakatagilid at natatakpan ng buhok. Sya ang unang tumawag sa akin ng ian smiley (kasi hindi nya daw maitype yung smiley beside my name). I did a caricature of her nung Sunday hehe. Nakakatuwa si plue. She makes me feel good everytime I chat with her. Good thing pareho kami ng interests. Pag nagpunta dito sa Manila yang batang yan isa ako sa unang-unang susundo dyan… pwamis! Amishu plue!
 

Aaron – Eto isa pa itong si Aaron na nagbigay sa akin ng inspiration to continue blogging. If you have seen his site before (the neon theme na blog it was astounding). Anime-anime din ang taong ito kaya siguro natuwa ako. I really want to meet this person too. Sa ngayon he changed his site to a black and white theme na super din. You rock man!

 

These are few of the people who have made blogging worthwhile for me. Yung mga di ko nabanggit e wag magtampo eto kiss nalang para sa inyo *mwaaaahh*.

 

I thank the people who keep on visiting my blogsite and glad for those people who tag and comments on my stuff. I never thought I will meet real people on the internet. Blogsites has made an outlet for every individual to share their mind, soul and heart to the world.Til next time, ian(“,) here!


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Monday, August 23, 2004
Comments (6)  

Friday, August 20, 2004
Ako?! Obsessed sayo?!?

"Bkit ba hndi ka mka-getover s kn? Pti ung mga frends q cnasabi obsessed k rw. Ayusin m naman sarili mo." _____ 19-Aug-2004 23:23:20

2:06 am, 20-Aug 2004 naalimpungatan ako. Kapa ng celphone sa ilalim ng unan(madilim kasi). Biglang nawala ang antok ko di-tuloy ako nakatulog agad. Sige sulat muna ako sa journal ko sa ilalim ng unan.

Ako?! Obsessed sayo?! Sino ka ba?! In the first place binura ko na nga number mo sa phone ko e. Tinry na kitang kalimutan noon pa. Actually medyo nakalimutan na nga kita kaya lang bigla kang nagmiskol out of the blue at nagtext. Medyo di ko na nga kilala number mo nun. Eto pa nga text mo nun:

Musta naman? ______ 13-July-2004 14:54:56

(Note - Sinusulat ko po kasi lahat ng text messages na pumapasok sa cel ko kaya me hard copy ako + hindi ako ulyanin.)

Nananahimik na ako nagtext ka pa uli. Ewan ko ba sayo. Gusto mo lang palabasin na apektado pa ako sa presensya mo... Well mali ka dun. I'm sure yun ang gusto mong palabasin, na hinahabol kita... please lang! "The hell with you!!!". You're the best two weeks of my life and the worst months after that.Deceiving? Yes, nakakaasar ka! Pinalalabas mo pa ngayon na obsessed ako sayo e magkaminsan e ikaw tong miskol ng miskol sa akin. Kung gusto mong pagselosin ang bago mong minamahal (wish ko lang) please lang wag mo na akong idamay...hindi ko personality yun... ako?! Maghahabol sayo?! Sino ka ba?! Makarma ka sana sa ginagawa mo! Tulog na ko ule (lagay ng journal sa ilalim ng unan at patay ng ilaw). ian(-.-)zZZZ



Sa opis ko na tinype yung message sa taas na kulay pula (for the first time nagpost ako ng ganyan). Pero paggising ko ewan ko parang ang saya saya ko. Hehehehe Have a nice day everyone!!! By the way here's a test from patty's page na nakita ko kay meann.

My inner child is ten years old today


My inner child is ten years old!

The adult world is pretty irrelevant to me. Whether
I'm off on my bicycle (or pony) exploring, lost
in a good book, or giggling with my best
friend, I live in a world apart, one full of
adventure and wonder and other stuff adults
don't understand.

How Old is Your Inner Child?
brought to you by Quizilla



Salamat sa lahat ng mga tao, hindi tao, pagpaparamdam, aparisyon at iba-ibang uri ng nilalang na dumadaan dito sa blogsite ko. Lalo na sina meann, plue, carlo, adrian, trish, tasha, edong, aaron, maris, claire, pam, patty at sa iba pa na di ko nabanggit "mahal ko kayong lahat *mwahhh*". Hope you enjoy the moment na napadaan kayo dito. Keep on rockin' keep cool. Ewan ko ba ba't iba ang pakiramdam ko ngayon parang overflowing ang aking kaligayahan at energy (must be the QC day after effect... oh well). I'm always here to make the world more interesting... ian(",).


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Friday, August 20, 2004
Comments (5)  

Thursday, August 19, 2004
THE EVOLUTION OF MY SKETCHES

The Artist ian true to life drawings

Tulad ng sinabi ko nung nakaraang posting ko eto na yun. Ito ang nagpapatunay na me improvement talaga na nangyayari sa ating lahat. So all aspiring artist dyan just practice and you’ll see. I really hope na mapasok ko ang comics industry ( yun naman talaga ang gusto ko e, dati pa).

 

History note: Ang aking Lola Gare (my mom’s mother) used to lend comics for a living. Ang komiks tulad ng Bata-batuta, Funny Komiks, Aliwan, Tagalog Klasiks, Happy, atbp. ay ilan sa mga komiks na nagturo sa aking bumasa at magdrowing. Mas mahilig ako sa mga tuluyang komiks dati (yung parang soap opera ang tema). The first illustrations I did as far as I can remember was drawn in flyleafs of books. Sa mga nursery books ko (nakita ko nga yung isa several months ago) ang title pa nung nandun e “Ang babaeng nakaitim”. Ang sistema nung komiks ko dati e walang balloons. In short, kailangan katabi mo ako pag babasahin mo ang komiks dahil ikukuwento ko yung nangyayari sa drowing. Sayang at hindi ko naipon yung mga drawings ko simula nung bata ako. Marami na sigurong notebook, kahon ng sigarilyo, papel at librong napagdrowingan ng inyong lingkod. Most of my artworks ay nasa mga kaibigan ko. I usually give them as gifts since elementary (minsan personalized cards minsan mga illustration board size). So pag sumikat ako maswerte yung mga nabigyan ko ng artwork ko dati pa kasi priceless nay un (sana nga sumikat ako…).

 

Let’s start the evolution drama… nagpunta si meann last time sa bahay dun ko naisip na gawin ang blogpost na ito. Nakita ko yung isang notebook ko from highschool na technically kay mean kasi hiningi ko sa kanya yun.

  



Pulsar (1997) – Well since nung elementary ko pa ginawa ang story nito, saying at nawala yung unang-unang drawing ko nito it was like grade 5 ako nun. Ang nandito ngayon e gawa ko na nung highschool na ako. Ang istorya nito ay parang bishoujo ang theme (pang sailormoon ang dating). Sa isang bahagi ng kalawakan ay mayroong isang sibilisasyong iba sa atin. Atlantis ang pangalan ng lugar na iyon. Mayroon doong isang kristal na nagpapanatili ng balanse ng planeta. As usual may mga kalabang nais kunin yun at muntik na silang magwagi. Ang prinsesa ng planeta ay ginamit ang life force nya para hindi makuha ni Ariana(yung kalaban na sorceress) ang kristal. Naghiwahiwalay ang crystal to several pieces. Each crystals are capable of controlling a certain power of the elements. Napunta ang mga crystals sa Earth (oo dito nga, sa iba’t ibang panig ng mundo). Si Jennifer yung bida sa kwento na pag nagpalit ng anyo ay magiging si Pulsar. Nakilala ni Jen si Bubot (boo-bot) ang rabbit na naatasang maghanap sa mga crystals ni prinsesa Persimmon. (Next time ko nalang kwento yung rest ng story… pag me nagrequest nalang. At baka humaba masyado ang post na ito.)

  



Dati nagagandahan na ako dito. As in proud na ako. Ilang kaibigan ko rin ang nakabasa ng komiks na ito. Dati pag nagdrowing ako e walang lapis-lapis derecho bolpen. At walang plot sige lang ng sige tuloy tuloy kumbaga. Takot nga akong magdrowing nuon ng mga kamay (mahirap kaya yun). Tapos nakatapos ako ng isang notebook ang sumunod ay entitled “Pulsar II – The Voyage(1998)” eto yung sequel nung unang book nasa Atlantis na ang setting ng storya nito. Me pangatlong notebook “Pulsar III – The Crystal “ – eto yung wakes nung trilogy. Kaya lang di ko mahanap yung notebook sa ka naisip ko uulitin ko na lang uli ang komiks na ito mula sa umpisa.

  



Pulsar (Rebirth) 2000  – kung akala nyo e isa itong bagong kabanata nuon well hinde. Inayos ko lang yung story kasi college na ako nung ginawa ko ito kaya medyo maayos na ang layout at proportions ko ng konti. At surprise!!! May kamay na sila at full body shots with background na naka perspective. Sa kasamaang palad ay hindi ko ito tinuloy dahil napagdesisyunan kong ulitin ito uli sa sketch pad naman. Sa half oslo paper ko lang kasi ito dinrowing. Medyo mas malinis na ang storya at pilit kong inilalayo na maging katulad ito ng sailormoon or dragonball z (eto kasi yung naka influence sa komiks ko before e).

 

Matagal din bago ako nagdrowing uli ng komiks. Ciempre araw araw ba naming drowing ang ginagawa ko e (Fine arts student kasi ako). One day, may pumasok sa isip ko na ideya. “Why not make a story na puro lalaki naman ang bida?”. Mahina kasi akong magdrowing ng male figure parang itinuring ko nalang na praktis ito. Ito ang simula ng “SilverBlade”.



 

Silverblade (May 2002) – Ang setting nito ay Arcasia, isang lugar na kung saan mayroong mga kabalyero, palasyo, mahika, halimaw at ibang iba ito sa Atlantis*. May dalawang legendary sword sa lugar na iyon. Ang Silverblade na may kapangyarihang kumukuha ng lakas sa Silverblade phoenix(tagapangalaga ng buhay) at ang Dark Slash na kumukuha ng lakas sa Dark stone Dragon( ang elemento ng pagkawasak). Si Kida na mula sa angkan ng mga magigiting na mandirigma ang nakatakdang magmay-ari ng Silverblade. Kasama nya sina: Ishima – ang mandirigmang mula sa Hidden Reefs mula sa lahi ng water tribe: Ahmed – mula sa Mauve city, dating tambay at kinatatakutang lider ng gang sa siyudad.: at si Shaine – mula sa Enchanted plateau na kung saan dito nakatira ang pinakamagagaling na wizards at sorcerers. Dun nagsimula ang istorya…

 



Silverblade (Dec 2002) – ang pangalawang sketchpad ay tungkol sa mga nakaraan ng ating bida. Christmas vacation ito kaya ko naasikaso. Tulad nung unang sketchpad na ginawa ko naman nung isang buwang bakasyon ng May. Medyo seryoso na ang istorya dito. Pinapaliwanag kung ano ang dahilan bakit ganito ang ugali ni ganito at bakit masama si ganun.



Silverblade (April 2003) – ang pangatlong sketchpad ng silverblade series. Dito mas lumilinaw na ang istorya at mas tumitindi ang aksyon. Last year ko pa ito nasimulan at di ko pa naitutuloy dahil sa me trabaho na ako. How I hope I can finish yung mga komiks na sinisimulan ko.

 

Marami pang ibang mga komiks na di ko na isinama dito. Seasons – tungkol sa isang babaeng nakakapaglakbay sa iba’t ibang dimensyon na kung saan ay mayroong nagpapatibok sa puso nya. Love story/adventure ito kaya di ko matapos (Hindi kasi ako mahilig sa love story). Mr. C – ito yung tungkol sa isang artist na nagngangalang Ian na nakatagpo ng isang genie na nagbigay sa kanya ng kakaibang powers. Kaya nga lang pag nagkakaroon sya ng powers e nagiging si Mr. C si Ian. Si Mr. C ay isang tila bolang hayop na may buntot na tulad sa isang lobo at dilaw na balahibo.

 

Hanggang dito nalang ang post na ito. Medyo mahaba pero sana nag enjoy kayo sa pagtingin at pagbasa. If you are interested to see the comics in person or just want to see this hottie (ako yun) ay try to contact me. I’ll be glad to share my world with you guys. Di ko nilagay yung story kasi mahirap na hindi copyrighted ang mga ito. Nawa’y walang gumamit ng mga pangalan at istoryang nabanggit sa taas dahil pag nangyari yun… ( you don’t wanna know…hehehe). Sa future pag nabigyan ako ng break malay natin mapublish ang isa sa mga kwento ko. God bless you all guys! Ian(“,) here!


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Thursday, August 19, 2004
Comments (10)  

Wednesday, August 18, 2004
Mga bagay/taong na di- ko malilimutan sa Emerald Headway...


Tatlong linggo nalang at wala na akong trabaho. Iiwan ko na ang Emerald Headway at ito ang ilan sa mga bagay at taong di ko malilimutan...(pwera nalang kung magka-amnesia ako or memory gap)


PEOPLE I WON"T FORGET

»» Kia » marketing supervisor; dating batang batibot, kilala niya sa personal sina ate shena at kuya bodgie; kawangis ni maui taylor; favorite quote "so sad"

»» Carissa » marketing supervisor; dating batang skateboarder; ayaw ng ketchup at sampaloc candy; favorite quote "yung thing"

»» Jonas » graphic artist; freelancer dati magaling na artist; favorite quote "sup bro"

»» Ting » marketing assistant; kabertdey ko; never fails to smile; favorite quote "food to go"

»» Katcha » marketing assistant; umiiyak pag sobrang masaya; snoopy water canister; favorite quote "alam mo yun?"

»» Debbie » marketing assistant; sporty, lean, mean, killing machine; what can you say about the movie troy? "abs"; favorite quote "i knew it"

»» Rj » graphic artist; always reports to the "superior" lalo na pag lunch...hehehe ke abi in short; he taught me so many things about some shortcuts and techniques sa graphics; favorite quote "ok na yan"

»» Jon » marketing assistant; loves to eat; tinuruan ako tungkol sa oxygen at amoy sa banyo

»» Nap » flash programmer; my exact opposite na nakasundo ko at naging kaibigan; magulo, mapagbalatkayo minsan, mahilig ngumiti at masayang kasabay pauwi; favorite quote "alak"

SITUATIONS AND THINGS I CAN'T FAIL TO REMEMBER

»» Overflowing foreign magazines everyday na nababasa ko ng libre

»» Mga araw na hindi busy from 8am to 4pm at mag rurush ng 4;30 hanggang magtagal ka sa opis dahil kailangan ito bago mag 5pm... (sobra ito!)

»» Food to Go - The good food that comes with a high price (sarap ng burger at lasagna dito, yumyum )

»» Deng's presence every lunch

»» Ang pila sa water dispenser at rice sa pantry ( nakakadehydrate ang opis namin...whew)

»» The log-in/log-out machine na magagasgas muna ng sobra ang ID mo bago magregister

»» Discounts and freebies every month (I will miss these the most)

»» Napakabagal na pag papaapprove at pagrerevise ng madalas ng mga collaterals na gawa ko.

»» Naka internet ang aking PC sa opis ng maghapon(paminsan-minsan lnga lang e nadidisconnect)!

»» Yun lang!

---

*Muntik nga palang mawala yung celphone ko nung isang araw... good thing napansin ko bago ako bumaba ng bus (ala pa naman akong pambile ng bago)

*Nagrerestart ng kusa ang pc ko...waaaaaaaaaa di ko pa nababack-up yung iba kong files! Sana maayos pa yun! Loko kasi yung mga gumagawa ng computer virus e...grrr!  

*Wala akong pasok bukas dahil QC day...

*Sa saturday me General assembly Buklod Sining, i'll be there... sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife (by the way holiday sa saturday sabi ni Gloria)

*Special tenx din ke Plue for making my YM days so enjoying...heheeh!

*Nga pala yung mystery texter ko kaibigan ko lang pala ginugudtym lang ako...hehehe! Thanx to everyone who appreciates my blogsite! ian(",)here



 

Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Wednesday, August 18, 2004
Comments (3)  

Monday, August 16, 2004
Baha! Basa! Banta!


:: Binaha nanaman ang malabon dahil sa napakalakas na ulan magdamag. Napakahirap sumakay. Kung kaya't eto ako at late nanaman ng 10 minutes (buti nalang hindi ako namememohan).

:: Kasabay ng pagbaha ang pagbaha rin ng mga commuters na nakikipag-unahan na tila mga wala ng akademya kung minsan (balya dito, singit doon apak dito, siko doon)

:: Salamat at nakasakay din ako paalis ng Malabon (Na mahal naming bayan... dito ay may bayanihan...lalala)

:: Di nga basa sa ulan ngunit basambasa naman sa pawis ang inyong lingkod ( nakasabay ko nga pala si Michelle dela Cruz na dating case study ko nung high school. Maganda parin sya tulad ng dati...haay).

:: Medyo maluwag ang MRT di tulad ng dati ( Dapat lang at napakadami ng bitbit kong clear folders at portfolio ngayon...wheh)

:: Naisaayos ko na ang side section ng aking blogsite. Sa susunod na mga araw konalang aayusin yung mga links nung favorite kong anime.

:: Ginawa ko kagabi yung anime na may dalang lapis at sketch pad sa may bandang itaas (ako yun kunyari*). Puyat nga ako kasi mag-aala una na ako nakatulog dahil sa pagtetelebabad.

:: Matapos kong magprint ng mga resume ng mga taong papalit sa posisyon ko sa opisinang ito ay tinawagan ko naman sila kanina. Akalain mo yun at ako pa ang nagbibigay ng schedule sa kanila...

:: Sinabi sa akin ng manager ko na hindi daw ako makakaalis dito hanggang wala akong kapalit (*AAAAAAARRRRGGGHH* pasigaw na sinabi ko sa aking isipan). Ayoko na dito sa opisinang ito!!!

:: Yun lang! Sana maging maganda ang mangyari mamayang 6pm.

:: Bago ko makalimutan. Me nagtetext sa akin na hindi ko kakilala. Honey nga ang tawag sa akin ( akalain mo yun). Buti pa nga yun e nakakaalala well, kung sino man sya tenks nalang.

ian(",)


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Monday, August 16, 2004
Comments (2)  

Saturday, August 14, 2004
Gandang araw sa inyo! ian(",)

Nagkita kami ni meann sa bookfair kahapon. Nilibre nya pa ako ng pizza at coffee(meron nanamang nabiktima si meann na "coffee guy", she never fails). Hehe glad ako she's there. ayokong magkwento masyado ngayon baka lumaki ang babayaran ko dito (kuripot nga kasi ako). Eniweiz, kwento ko narin in a concise form nga lang.

:: Aga kong umalis ng bahay mga 8am palang nasa monumento na ako.
:: Sa LRT(ang pinakanakakapagod na way of transport) kahit na nasa unahan ako di parin ako nakaupo masyadong maabilidad ang mga kasabay ko nung friday.
:: Edsa taft. Nakalimutan ko ang sasakyan patungong World Trade. Lakad ako. medyo mahaba. tapos nagtaxi din(Sana nagtaxi nalang ako agad).
:: Nasa World trade na ako. Nagtext si meann sinama ko agad sa loob.
:: Maghapon akong nakatayo. At pag nauupo ako saka may dadating na magtatanong ng promo namin. (*ang mga taong masyadong demanding at particular ang mga taong kadalasang di bumibili)
:: Bihira nga ang cute nung araw na nagbantay ako e....*asar*
:: Yun lang!

Medyo kakaiba nung gabi... Inaantok na ako pero hala, tawag sa
phone! Buti nalang gising pa si Rjay. Siya ang nakaramdam ng pagod at hirap na naranasan ko... hehehehe thanks pare! Madami akong tinawagan pero medyo di ok yung mga timpla. Wala pa naman si mijai sa bahay nila kaya iba tuloy tinatawagan ko. Hanggang dito na lang. Ciao!

Jobless nanaman ako next month hahahaah! La na ngang luvlife ala pang career! Puro kaibigan lang! (well i think that's better)

Once a kid dreamed to have a garden...

He grew to be a fine lad. Sabi nya sa sarili n'ya,
"Madami akong mga pangarap. Sa dami ng short term dreams ko nakalimutan ko tuloy na meron akong simpleng pangarap noon. Magkaroon ng halamanan, kakaiba pero masaya ako pag nakakakita ako ng halaman. Sa ngayon masaya naman ako kasi kahit na wala pa ako nung halamanang gusto ko. I've grown a garden full of loved ones and friends in my heart! Thanks to everyone whom I love and care for! ian(",)."



Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Saturday, August 14, 2004
Comment (1)  

Thursday, August 12, 2004
Punta kayo sa Manila International Bookfair 2004

[tinanggal ko na yung image ng flyer na dinesign ko for book fair just in case you wanna take a peep click here]

I'll be there this coming Friday from 10am to 7pm! Punta kayo! Ciao! ian(",)!


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Thursday, August 12, 2004
Comments (6)  

Wednesday, August 11, 2004
Stressed out... tired of what i'm doing now, need some rest

::Pagod na ako::

One word
Rest
I need some rest
A time to sleep and
dream of my dreams
To feel fresh and lively again
I really need to rest
Even just for a week
I need a time to know myself again
I need to stop and just... rest
and dream of the dreams
I once dreamed

[magpapalit po ako ng theme ng site na ito by next month, In a way i'm not comfortable sa template na ito kasi it's not completely mine. Though the designs and graphics are made by yours truly. I can't completely say that I made this site. Well I just hope the changes would be fine and better. To all my blogger friends there... Ciao! ian(",)*i'm planning to change it in a blue green theme what do you think?]


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Wednesday, August 11, 2004
Comments (3)  

Monday, August 09, 2004
Another rainy Monday morning... that Rocks!!!



Another rainy Monday morning... that Rocks!!!

:: Joke time muna (",) ::

Dark In Here

A housewife takes a lover during the day, while her husband is at work.

Unbeknownst to her, her 9 year old son was hiding in the closet.

Her husband came home unexpectedly, so she hid her lover in the closet.

The boy now has company.
Boy: "Dark in here."
Man: "Yes it is."
Boy: "I have a baseball."
Man: "That's nice."
Boy: "Want to buy it?"
Man: "No, thanks."
Boy: "My dad's outside."
Man: "OK, how much?"
Boy: "$250."

In the next few weeks, it happens again that the boy and the mum's lover are in the closet together.
Boy: "Dark in here."
Man: "Yes, it is."
Boy: "I have a baseball glove."
Man: "How much?"
Boy: "$750."
Man: "Fine."

A few days later, the father says to the boy, "Grab your glove. Let's go outside and toss the baseball.

"The boy says, "I can't. I sold them."

The father asks, "How much did you sell them for?"

The son says,"$1,000."

The father says, "That's terrible to overcharge your friends like that.

That is way more than those two things cost.

I'm going to take you to church and make you confess."

They go to church and the father alerts the priest, and makes the little boy sit in the confession booth and closes the door.

The boy says, "Dark in here."

The priest says, "Don't start that shiiit again"

:: Friday ::

Naipasa ko na ang resignation letter ko sa aking Manager. What's odd is that it is exactly the same day when I'll be regular na sa company namin. My first day sa EHDI ay February 6,2004 at nagpasa ako ng resignation ng August 6, 2004 (Birthday ni Romel). Kakaiba pero mayroon akong mabigat na dahilan. Parang pabigla-bigla pero matagal pinag-isipan.

Sinamahan ko ang mga ka opismeyt ko sa may Aurora na mag ukay-ukay... ganun pala dun. Pag mahilig kang magshopping at gusto mong makatipid ok pero di ako masyadong nag-enjoy. Ginabi na nga ako ng uwi. Past 11 o' clock na ako nakauwi sa bahay dahil nahuli pa ng MMDA ang bus na sinasakyan ko sa tapat ng SM North... what a day!

:: Saturday ::

Ayun umaga palang e medyo masya na ako kasi alam ko na pupunta si
meann sa bahay ng after lunch. Masaya nanaman ako at may dadalaw sa bahay. Di nga lang natuloy yung spaghetti na ipinangako ko (sayang...) na kakainin namin for dinner. Maulan pa nuong sabado kaya di kami nakapagpabili.

Sobrang daming papel ang inayos ko ng umaga na ito para maayos ang kabinet sa gilid ng study table ko. Medyo organize na nga ito ng konti. At nakita ko ang isang nawawalang colored pencil sa singit singit duon. Nakita ko tuloy yung isa sa mga komiks na gawa ko nung high skul. "Pulsar" ang title nuon. Ang sagwa pa ng drawing ko nun... hehehe pinagtawanan nga namin ni meann yun e.

*I'll soon post the evolution of my work here. Para maprove na pwede mag-improve ang talents ng kahit sino

Buong hapon hanggang gabi na kaming magkasama ni meann. Ang saya dami naming napag-usapang bagay na totoo at hindi totoo...hehehe! Naumopisahan ko na yung balak naming momentuous project para sa blogsites namin...hehehe watch out for that. Sa mga hindi nakakaalam ako po [ ian(",)smiley } ay isang fine arts graduate major in advertising na mahilig sa anime. Si meann naman ay nag-aral ng kursong European language major in Spanish. Walang kinalalaman yun sa mga nangyari sa amin... nabanggit ko lang.

Thank God I have the opportunity to spend time with an extraordinarily skilled and talented individual... si meann yun ciempre!!!

:: Sunday ::

3:45am gising na ako. Nagsisimba kasi kami ng first mass. Medyo inaantok...hinde actually inaantok ako talaga noon. Natapos naman ang misa ng maayos. 7:30 nasa bahay na ako. Pag-uwi ko sa bahya ayun na. Simula na ng weekend anime habit ko.

Nagtataka nga ako kina Mama Celia at nagyaya silang mag- SM e umuulan. Kumain kami sa labas bilang isang big happy family. Masaya ako pag magkasama kaming lahat. Naglibot sandali sa SM at matapos mapagod ay umuwi na. Maulan parin noon... at medyo baha (Malabon nga e!)

Sinimulan ko ng mag- scan ng mga bagay bagay. Tinapos ko rin ang strat ng project namin ni meann. Mga 6 - 7pm natapos ko din. Tawag ako agad sa kanila at sinend ang file through YM. Ayun...hehehe, saya naman kaming dalawa pagkatapos nya mareceive yung file. Medyo paalis na nga si meann nung inistorbo ko siya. Papasok na kasi si meann sa Makati (Callcenter ang job nya kaya hapon na siya umaalis).

Nung gabi ng yon. Madilim na. Pinatay ko na ang ilaw. Yakap ko na ang unan kong maliit at nakakumot na ako. Biglang tumunog ang telepono sa sala. Nagmadali akong bumaba. Si mugs lang pala. Kala ko emergency. Nakipagkwentuhan lang ang kulokoy. Kinwento yung love story nya sa akin. Masaya naman ako at naka-usap ko si mugs he made me feel a bit different. Napag-isip pa tuloy ako nung gabi na yun.

:: BOOKFAIR ::

Sa mga interesado may Manila International Bookfair this coming August 11-15, 2004 sa World Trade Center, Roxas blvd.

Maraming freebies at discount dun ang mga magazines, books and other literature. I'll be there ng Friday sa booth 142,143,144. Masaya yun. Punta kayo! Tandaan sa booth ako ng Emerald Headway Distributors Inc. isa sa may pinakamalaking booth doon. Ako ang assign sa mga complimentary magazines.

ian(",)

Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Monday, August 09, 2004
Sa palagay ko e...  

Friday, August 06, 2004
Asingcongagostokahaponatnangyarisaakinlahatngito!


 

Asingcongagostokahaponatnangyarisaakinlahatngito!

 

It’s been a long day. Tulad ng inaasahan ay mahirap magcommute patungo sa opisina more than an hour uli akong nagbyahe. Masikip nanaman sa MRT at nambalya uli ako para makalabas sa Cubao station. Napabili tuloy ako ng dalawang kalakihang tinapay sa Julie’s bakeshop sa baba ng MRT (oo sa parehong tinderang inuuna pa ang nahuling bumili sa mga nauna at mas maraming bibilhin- tulad ko). Ayun lakad nanaman ako sa gilid ng Farmer’s market. Tawid dito at tawid doon hanggang makarating sa sakayan sa Value station (Ito ang maliit na shopping arcade na kulay kahel). Sakay agad ako ng jeep dahil 8:03 na at medyo kinabahan nga ako dahil mahilig mag-antay ng pasahero si manong drayber. Well, nakarating naman ako sa opisina ng matiwasay.


Ayun aminado naman ako na hindi ako masyadong focus sa trabaho ko kahapon dahil sa ilang kadahilanan. Una, sira ang dalawang printer naming kaya ang dami tuloy nakikiprint.Ikalawa, nag-eenjoy ako sa pagdiskubre sa kayang gawin ng blog site na ito. Ikatlo, pre occupied na ako ng gagawing kong “resignation letter”(na dapat e una kong ginagawa kesa sa blog na ito…hehehe).

 

Nga pala naubusan kami ni Ting (Celestina Felizardo sa tunay na buhay – kaopisina ko na sa di inaasahang pagkakataon ay katulad ko ng kaarawan) ng cheeseburger sa Food to Go. Mabilis ang oras. Tanghalian na. bistek ang ulam ko. Masarap ang pagkakaluto kaya di ako nag share heheheeh! Bumili nanaman ako ng bottled water sa Ellen’s (tindahang napakalaking magtubo pero kumikita parin kasi wala kaming choice kun’di doon bumili) dahil ubos nanaman ang tubig sa water dispenser.

 

Hapon, malapit ng mag-alas singko. Napagdesisyunan kong pumunta sa SM North Edsa. At ganun nga ang ginawa ko. Kumain ako sa KFC sa may food court (Medyo konti nga lang ang ketchup na binigay sa akin *di ako kumakain ng gravy shocking pero totoo). Lakad sige lakad lang… nakabili ako ng mandarin orange na shirt at isang stripe na polo sa department store (Ang mamahal kasi ng presyo ng damit na panlalaki… sobra).

 

Nagbyahe na naman ako pauwi. Nakatayo ako sa bus hangang sa MCU. Katapat ko sa gilid ang magkasintahang naglalampungan na kahit nakatayo sa bus (Tsk! Tsk! Tsk! PDA). Baba sa Letre at sakay ng Jeep na pituhan ang capacity ngunit tig-anim lang ang maaaring makaupo. Kalahati nga lang ng puwitan ko ang nakaupo nung una. Nakauwi din ako. Pagod sa byahe at pinakita sa bahay ang nabili ko.

 

Medyo nagtalo pa kami nina Mama Cel at Papa dahil sa ayaw na nila akong paliguin ng gabi (Mapapasma daw ako… e ang sabi nga ng derma e maligo twice a day e). Ciempre langis sa kamay, langis sa paa, nuod ng Marina, nuod ng Basta’t kasama kita… bago pa ako nakaligo. Pagkatapos ay eto ako hinarap ang PC ko para gawin ang “resignation letter”. Sinubukan ko munang mag YM saglit (Na virus ang PC ko di makapagbukas ng internet explorer pero pede magchat sa YM at magbukas ng lahat ng programs). Online si Mich at sinabi ko sa kanya na me blogsite na ako. Si Nap (Napoleon Saroca sa tunay na buhay – kaopisina ko din na kahit medyo kasalungat ko ng pagkatao e nakasundo ko parin) ay online pero ng nag pm ako. “Wala ako dito!” akalain mong iyon ang nireply…hehehe masungit talaga yun sa personal. Nag dodownload daw kasi sya bago matulog… ewan ko lang kung ano…heheh (knowing Nap malamang hehehe). Nadisconnect akong bigla at nag error ang PC. Ayun, restart ako uli. Tinawagan ko muna si Karen (Kaibigan ko nung highschool palang na ang unang job e assistant retail manager na agad). Sa halip na gawin ang letter ay nagbukas ako ng photshop at gumawa ng wallpaper ng pictures naming nila mean at neneng. Ayan nilagay ko sa baba ang ginawa ko kagabi.




Pagkatapos kong gawin ang lahat ng ito ay eto na ako. Nagtytype ng ipopost ko ngayong araw na ito. Sa opisina ko nalang gagawin ang resignation letter. Tinatamad na ako e. Matutulog na ako pagkatapos kong magsulat ng mga text messages na nasa inbox ko (Sinusulat ko kasi sa journal ko halos lahat ng tinetext sa akin kahit na hindi quotes para may hard copy ako). Tuyo na ang buhok ko. Medyo sumasakit ang likod ( Kanina pa ito… araguy@#*!!! ) papering na ako sa taas. Hanggang dito na lang…. antok na ako.

 

ian(-.-)zZZZZZ


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Friday, August 06, 2004
Comment (1)  


Next Page




[RAVENFOX RENAISSANCE]


[i'm ian(",)! I'll be your blog guide.]



[SINO AKO?]


[ian(",) is on "kras" mode]
[21][professional artist]
[taga-malabon][walang probinsya]
[nakakatatlong trabaho na (technically)]
[pagod at puyat madalas]
[anime fan][telebabad][panganay]
[Virgo][September13][Neptune]
[dolphins][spaghetti][panda]
[playstation][arcade]
[adobe][corel][YM]
[painter][Singer?!][writer][dancer?!]
[single hanggang ngayon]
[kaibigan ng lahat]
[world domination...heheheh]
[oxygen men's line designer]
[natatamad at the moment]



[ how to know me better ]

[ YM : pulsar2v@yahoo.com ]
[ e-mail : ravenfox_ian@yahoo.com ]
[ e-mail : ravenfox_ian@hotmail.com ]
[ friendster : ravenfox_ian@hotmail.com ]
[ MySpace : iandj ]
[ SMS.AC : iansmiley ]
[ Pic-link : iandj ]
[ Hi5 : ian ]
[ Deviant art : artist-ian ]


[Kailan ako nagpost?]


<< August 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31



[Drop a Tag! Win a Friend!]




Para kay Niño::dude hapi bday!
I made this Jan 24,2005. For the bigger image click here.




Comics ito ng kaibigan ko bili kau!
This is an indie made by a friend of mine if you like to purchse pls tag me or email me. Thanks!




::Ang katotohanan ng buhay: Hindi lahat ng bagay ay sumasang-ayon sa gusto mong mangyari::

::Work like you don't need the money... Let passion, fulfillment and eagerness be your reason::




[silipin mo ito]

[kahuntahan]
[meann]
[plue]
[aaron]
[kulokoy]
[claire]
[trish]
[vaknoi]
[edong]
[pam]
[sleigher]
[anepotchi]
[janet]]
[zoan]
[franz]
[zhang]
[akin_iya]
[maris]
[iya_ganda]
[den~chu]
[riyunah~lola]
[nastasya]
[twistedwacko]
[storm]
[cza]
[pSyLeNtSpYdEr]


[blogs i go to]
[jam]
[loffy]
[adrian]
[idlemind]
[carmen]
[parekoy]
[ralph]
[iskratz]
[dea-tabs]
[lagsh]
[patty]
[angie]
[chris kamenashi]
[linrei
[ida]
[resty]
[lantis]
[azrael]
[shiela]
[kaye]
[max]
[yhell]
[ia(",)cutie]
[pedro]
[wylmer]
[jong.idol]
[mitch]
[yshie]
[bulalakaw]
[kaizen]
[abel]
[kiko.kras]
[blaise]
[alexis]
[cilina]
[nhel]
[beatrice]
[arnz]
[aYaH]
[terpsichoreans]
[paradox]
[stormwriter]
[thecalling]
[jace]
[jray]
[...]
[shally]
[jen]
[mrcx]
[maroux]
[ivan-girl]
[jhenskie]
[mark]


[FAVORITE ANIME GALS]


[FAVORITE ANIME LAD]



[dito ako naglalagi]
[friendster]
[anipike]
[photobucket]
[beerkada]
[myshoutbox]
[yahoomail]
[hotmail]
[gio-art]
[deviant art]
[blogger asylum]
[Olga's Gallery]
[GFXartist]
[WebGalleryOfArt]
[Oxygen]



[peborit posts ko]
[my comics' evolution]
[colored pencil works]
[how do I describe... me]
[first post: 27 july,2004]
[bertdey post]
[bakit pulsar2v ym id ko?/the red post]
[kaya ako nagblog dahil..]
[the ATC mini geb]




Ang me gawa ng lahat!



Desktop sa bahay!


[ang ian friendster pic]


Desktop sa opis!


[the incredibles interactive]



[Special thanks to meann! For being a wonderful friend!]





[Bawal gamitin ang lahat ng nakikita at nababasa dito ng walang pahintulot... or else!]





Copyright © 2004
Christian delos Reyes de Jesus
All Rights Reserved
16 August 2004



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed