[ravenfox renaissance - home of pulsar2v] [a piece of the real me published online] [la vida es un sueño]


Sunday, September 12, 2004
hapibertdey...ian


Ito ang unang trial ko sa pagdrowing sa mascot ng site ko. Siya si ravenfox. Medium: pentel pen on paper (digitally colored on photoshop) actual size 15” X 10” 300dpi. (whew, akala ko di ako makakadrowing kanina... maybe because of the pencil i'm not use to sketching with) I just did this kaninang after lunch!

Dalawampu’t isang taon na ang lumipas mula ng isinilang ang taong may-ari ng blogsite na ito. Debut ko ngayon. Hehehe unlike my other birthday celebrations, wla kaming party sa bahay ngayon tulad noong last year… para iba lang. Well baka i-treat ko nalang ang mga close friends ko sa labas. My only wish is to succeed with my dreams and inspire other people with my life.

Masaya ang naging buhay ko for 21 years. I’m looking forward sa mga susunod na kabanata ng buhay ko. I’m so thankful God has given me so many things. I have received more than what is necessary… sobrang dami kong dapat ipagpasalamat. Sa lahat ng nagmamahal sa isang tulad ko… salamat! ian(“,) here

I JUST TOOK A QUIZ FROM TWISTED WACKO'S PAGE!

dfh
You're a "Blue Angel". You're a smarter
one than most and are the more logical than
anyone you know. You also have very strong
morals that you stick to through it all and
you'd stand up for whatever you believe in even
if no one else agrees. You're a little bit shy
around people but you love to be with lots of
people anyway. You have appreciation for things
like music or poetry or art. You yourself can
sing fairly well but you don't like to sing in
front of people. You're very thoughtful and
people love how creative you are.

What Color Angel Are You? (PICS)
brought to you by Quizilla


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Sunday, September 12, 2004
Comments (10)  

Saturday, September 11, 2004
Mga pagnanasa...hehehe

Ang mga sumusunod na mababasa ninyo ay wag masyadong seseryosohin. Nagawa ang post na ito dahil sa paparating na bertdey ni ian(“,) smiley. Ito ang kanyang nakapangingilabot, kahindik-hindik at nakagigimbal na mga hinahangad ng inyong lingkod na makuha sa kanyang kaarawan…hehehe. Napadaan lang ang mga ito sa magulong isipan ni ian… tandaan wag seryosohin (pero ok lang kung ibibigay sa kanya hehe)

Ian(“,) smiley’s wish list!

(X_o) New smart phone (Sony Ericson P910/Sony ericson K700i/Nokia 7610/or yung bagong Nokia na capable ng video conference at mega-pixel camera phone at the same time)

(X_o) New power pc or any pc capable of running adobe photoshop, macromedia flash, and Ragnarok all at the same time (saka YM na rin hehe).

(X_o) New scanner (yung kaya magscan ng negatives and positives), new printers (both inkjet and laser), pc tablet,  web cam and external modem.

(X_o) Digital camera and a photo printer that comes with it…hehehe.

(X_o) DSL internet connection

(X_o) New magazine/book shelves for my books and magazines.

(X_o) A storage that will hold most of my artworks (At the moment kasi sa mga big boxes lang nakalagay e, sana magkaroon ako ng lalagyan na protected ang aking treasures)

(X_o) Wide range of art materials (from colored pencils that caters more than a hundred colors to the markers used by anime artists… so many art materials so little money to buy them all)

(X_o) Books – specially Renaissance books, anime/manga related books, graphic designing related books and collections, art books, history books which are highly embellished with pictures, reference books… aaaaaarrgghh so many books I want a library of my own.

(X_o) Magazines – unlimited supply of magazines (just like in Emerald Headway… hehehe)

(X_o) A new house and lot with a garden full of beautiful Philippines flora.

(X_o) A sports car, a van and a monster machine hehehehe

(X_o) Several days and nights with the people I wanted to meet and spend time with all my life.

(X_o) A round trip ticket around the world ( na may kasamang pocket money)

I think my wish list is a bit over the top, hehehe you can’t blame me it's just a wish list!

Or I can just have one wish that can top any on the list above… and that’s real love! Naku kulang lang sa pahinga at relaxation si ian kaya nakakapag-isip nanaman ng kung anu-ano…wehehehehe! Ian(“,) here! (Whew! Makukuha ko din lahat yan… one at a time. Hehehehe)


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Saturday, September 11, 2004
Comments (2)  

Thursday, September 09, 2004
Yesterday...

Mga nangyari kahapon maghapon.

(“,) Maaga nanaman akong nagising kasi nasanay na ang katawan ko. Inuna ko pa ang blog ko kaysa sa pagkain (ako ay isang adik na sa blog… huhuhu).

(“,) 9:30am nasa Lunasol para sumakay ng dyip pa monumento. Nakasabay ko si Niña na late na rin sa trabaho nya. Actually late narin ako sa usapan naming ni Jay-ann.

(“,) 10:00am nasa 7-11 MCU at nakita ko si Jay-ann na medyo 30 min ng naghihintay sa akin (dapat kasi 10:00 kami magkikita pero iniusod ko ng 9:30…heheheh). Dala niya ang resume nya and transcript of records.

(“,) 11:00am UP Diliman, College of Arts and Letters – kumuha na ako ng application forms at list of requirements para sa MA. Medyo madali lang naman ang mga requirements. I really need a book on Art studies ngayon na focused sa Philippine Genre.

(“,) 12:00nn nasa SM north, umikot at nag-malling kami ni Jay-ann for several hours. Kumain sa KFC at nangarap na dumating ang panahon na sana pwede kaming magshopping ng hindi na tinitingnan ang presyo. Yung tipong wala kang pakialam kahit gaano kamahal ang bibilhin mo. Basta gusto mo e kuha ka lang ng kuha… sana maabot ko ang status na yon.

(“,) 3:00pm Golden ABC, I got my formal job offering from the makers of Oxygen, Penshoppe and Memo. Medyo matagal din kaming pinaghintay ng mag-iinterview. I met Karen who is the MM of the Oxygen brand. Maganda at stylish ang nasabing babae. Siya ang magiging head ko sa opisinang iyon…hehehe. Binigay na ni Miss Ana ang mga requirements ng HR sa akin. Well ang dami. At sa September 14 na ang deadline.

(“,) 5:00pm nasa bahay na ako. Nanonood ng mga anime na paborito ko tulad ng Cowboy Beebop at Hunter X Hunter. Ako po ay mahilig sa anime… sobrang hilig!

(“,) Nung kinagabihan ay nanood ako ng ALIAS sa studio 23. At bago matulog ay nakipag kulitan sa text. Late evening ay tumawag si Arjae at pinag-usapan namin ang tunkol sa last salary naming sa opis. Yan na yung outline ng nangyari sa akin kahapon. I just hope na makapasa ako sa exam sa UP for the MA degree. Sana rin makuha ko na yung last pay ko sa EHDI (sana mapirmahan na ng mga boss ko ang check… I hope so!) ian(“,) here!

Mga naganap ngayon araw na ito.

(“,) Maaga akong gumising uli! Nag-internet agad at matapos ay naligo at nag-ayos para sa ilang bagay. Nagpunta ako sa barangay office para kumuha ng barangay clearance at sedula. Nagpunta pa ako sa munisipyo para sa police clearance (Nagtataka lang ako dahil nagbayad ako ng P10 sa munisipyo at nang matapos kong I fill up ang form sa PNP headquarters ay hiningan ako ng P80 ng walang resibo. Ganoon ba talaga yun? Alam ko kasi lahat ng transaksyon na gagawin sa mga public offices lalo na pag may perang involve e nakaresibo dapat… eniweiz)

(“,) Nag-usap kami ni meann sa phone about some revealing stuff (Na hindi ko pedeng ikwento heheeh). Nabanggit nya ang tungkol sa edong version 3.5. Kaasar nga at di ko inabutan. Edong version 4 na nung nakita ko… sayang. Maganda pa naman daw sabi ni meann.

(“,) Nagpunta ako ng SM north with kasama ang pamilya ngayon… hehehehe. Nabili ko na ang pangbertdey damit ko. I saw this light viridian shirt sa Oxygen. Bagay sa mapuputi ang shirt na ito (ako e trying hard magsuot ng bright and shocking colors kahit di ako kaputian). May nakita rin akong cool na cream shirt sa bluesoda.  

(“,) Naconfirm ko na! Napirmahan na ng boss ko ang release ng sweldo ko. Bukas pupunta ako sa emerald headway para kunin an gang certificate of employment ko at ang sweldo ko (sana mairelease na ng treasury ang nasabing salapi). I have so many things to buy. Ang hirap ng walang pera… waaaaaaaaa!


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Thursday, September 09, 2004
Comments (8)  

Tuesday, September 07, 2004
I hate computers...

History ito!
Babala mahaba ang entry na ito!

High school days: We used to have this computer class from first year to fourth year. Our teachers taught us the basics and some concepts about the humble pc. I must admit I truly hated that subject.  Maraming mga tinuro sa aming soft wares and programs. Wordstar, wordperfect, pascal, basic, lotus 123, and my favorite printshop were few of the programs I can remember. I can still remember na hindi ko minsan masagutan ang mga exam questions like: to open a file press ctrl+__, na ang simpleng sagot e “o” na kung iisipin e umpisa ng word na open. I was really a big jerk back then. Wala kasi akong interes sa computers. Yung tipong sa kawalan ng gana e hindi na iniintindi maging mga simpleng konsepto ukol dito. Plus, iisa lang ang instructor namin sa subject na ito from 2nd to 4th year. Actually nakakasawa kaya yun (with due respect sa instructor naming na paborito ang section namin kaya nya pilit kinukuha... can't blame him right hehehe)!

First year college: Nagkaroon ako ng project sa Filipino. Gagawa daw ng magazine. Ciempre e di ako nanaman ang pinuno ng grupo. Ako ang nag-encode at sa wordstar naming ginawa. Waaaaa! Di ko kasi alam na meron na palang Microsoft office na nun. This was the time na kakalaunch at papasikat pa lang ang windows and internet. Magpapaprint na ako. Punta ako sa Yahoo computer shop sa harap ng UE. Sabi nung me ari ng shop na medyo katabaan at may bigote ay sige i-open ko na ang file ko. *Reality Check* hindi ako marunong at medyo nataranta ako kaya napansin ito ng may-ari. “Marunong ka ba n’yan?” sabi ng mama sa nang-aalipustang tono. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang pinapalantsa ng mga sandaling iyon. Hiyang-hiya ako. Marami pang sumunod na mga di magagandang bagay na sinabi ng may-ari. Kasama ko si Michael nung mga panahong iyon. “May computer subject ako ng apat na taon simpleng bagay hindi ko alam… nakakahiya,” ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko. Ok lang naman kaya ng sumunod kaming magrent e nag Microsoft word na kami. Madali lang pala. User friendly – dun ko unang napatunayan na ang windows ay user-friendly. Madali lang gamitin. Basta nakakaintindi ka ng ingles at fast learner walang problema. Dun ko rin unang na experience gumamit ng internet. Nahikayat ako ni tynee (kaibigan kong mahilig sa anime) na mag-internet. Opo anime ang dahilan bakit ako nag-internet.

Second year college: Adik na ako sa internet. Halos kabisado ko na ang bawat links sa anipike. Palagi akong nasa pila ng internet lab sa UE. Naging kaibigan ko si janet dahil sa pagkaadik ko na ito. Mishanet – ito ang nagging suki kong internet shop. *note* Ang shop na ito ay ang dating shop kung saan ako inalipusta noong freshman palang ako. Nakilala ko sina Miss Deedee at janet. Naging suki nila ako at ine endorse ko pa sila sa iba kong mga kaibigan. Ang may-ari pa nga ng site ang nagturo sa aking magchat sa MIRC. At naadik din ako sa chat… haaaaay may tendency kasi akong maadik sa mga bagay-bagay(tulad ng playstation at arcade nung highskul). Hnaggang maging sa YM ay nagchachat nadin ako. Minsan nga e 5 hours straight ako sa rentals kahit me klase pa ako ng bandang alas sais. Kinukuha na ng internet ang mga bakante kong oras nung mga panahong yon.

Third year college: First sem noon at tinuruan kami ng coreldraw8. Akalain mo yun na mas magaling pa akong mag coreldraw8 kaysa mag encode at magformat ng document sa MSword. Sa tulong ng librong ibinigay ni Mike (isa sa kaibigan ko nung hayskul na din a mahagilap ngayon) ay mas naging advance ang aking self-study sa bahay. Sa kabutihang palad ay nagkaron na din ako ng pc kaya mas madaling mag-aral. Second sem: Sa wakas ay kinuha ko na rin ang computer 101 na subject. Eto yung basic computer subject na kinukuha pag 1st year ka. Umaga ang sched ko nito at sa hapon ay may Adobe Photoshop5 na klase ako. Nakakatawa ang sitwasyon. Natural nagtataka ang mga kaklase ko at teacher ko dahil medyo marunong na ako sa computer at magaling akong magdesign kahit sa word. Si Sir Abat ang isa sa peborit ko na prof nung college. Pinipilit niya akong sumali sa club niya noon (hindi ako sumama since member na nga ako ng Buklod Sining). Iwas so lucky I have learned a few tricks on MS excel nung mga panahong iyon. I was very thankful for this class. Dito ko unang ginawa ang mga anime button pins. Eto yung mga unang gawa ko sa photoshop5 na anime:

a. season’s pin violet (nasa akin parin) b. season’s pin blue (nasa sister ko) c. mr.c pin (nasa little sis ko) d. ahmed pin (nasa akin parin) e. mijai pin (gift for mihai) f. silverblade pin (gift for tita ivy) g. mush pin (nasa akin parin); these are just some of the pins I did. These were the first 8 of the collection. Before I use to give these as gifts for my friends kaya lang hindi acid-free ang ginagamit na papel ng nagpiprint e. Nagkakaroon tuloy ng molds kaya I stopped giving them away. Malay natin at mabigyan ko kayo ng isa pag nagkita tayo…heheheh!

Fourth year college: Gamit ang mga basics ng bawat graphic softwares at resources ng internet I really aimed to improve myself. Hanggang ngayon ay praktis parin ako ng praktis, research dito at doon, at hinahasa ko pa ang lahat ng mayroon ako para maging isa sa mga Graphic designer experts na tinatawag. Sa ngayon ay beginner pa rin akong maituturing. Every year may nadedevelop nab ago at kung magpapahuli ka ay mawawalang saysay ang pinag-aralan mo nung isang taon. Sino ang mag-aakalang ang isang batang ni hindi marunong magbukas ng file mula sa floppy disc ay matututo ng advance graphic softwares ngayon? Hold on to your dreams. Believe in your self! Buti nalang at ginawa kong challenge ang lahat ng nangyari sa akin. As long as you’re alive you can make a difference! Ang haba ng post ko… ian(“,) here!

 

 

 


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Tuesday, September 07, 2004
Comments (6)  

Monday, September 06, 2004
Nagkamali ako...

  Di ko pala kayang di makita ang blog ko ng isang araw... kala ko kaya ko ahuhuhu! Ayan eto na ako uli! Hellow po sa lahat!!! Nakakahiya tuloy! ian(",)

Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Monday, September 06, 2004
Comments (5)  

Saturday, September 04, 2004
Today is...

 Happy

Birthday

Meann!

 

(",) Punta ako kina meann mamaya!
(",) Babalik pa ako sa opis sa monday (this is for the clearance and all)
(",) I'm soooooo Happy today!
(",) Bakasyon muna ang blogsite ko for a week... just preparing for some stuff, i'll miss you all guys!


ian(",) here
bye for now!

Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Saturday, September 04, 2004
Comment (1)  

Friday, September 03, 2004
The end of another chapter in my book entitled "my life"...

ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)   ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",) ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)

(",) Emerald Headway is surely a place i'll never forget!  

I have posted the things/people that i'll miss in this office dun sa nakaraang post ko: the people (specially the marketing department and other officemates) and the internet access and tons and tons of magazines! Birthday ni napoleon ngayon (cia ang pinakapaborito kong opismeyt na ka brader ko sa emerald.) I know this is not the last time i'll be seeing this place. Ciempre ala pa sa akin yung last salary ko saka pro rated salary ko. Well I think ala akong panggastos sa birthday kong darating (13-SEPTEMBER,2004 MONDAY!). Birthday nga pala ni meann bukas! At ni Rjay sa monday! Saka dun sa mga me bertdey dyan... Hapi bertdey sa inyong lahat... he he he he he he hehe! I will  have this two weeks vacation coming up! Next week probably nasa UP diliman ako at UE caloocan for my application forms and recommendation letters for my MA. Nga pala e malamang di ko na ma update ang site ko everyday unlike before dahil sa I can't access the net everyday sa bahay. I'll try to make traditional work of arts uli. Balik sa basics... pencils, paper, ink, you know the usual....  Daming nangyari sa akin sa seven (7) months ko dito sa opis. Well I wanna keep this post short! Don't worry pag naayos ko na ang lahat sa 15-September,2004 malay nyo e maayos na uli. Advance hapi bertdey din kay Ting at henz ( na kabertdey ko). I have received kahapon ang birthday wish ko... and I think that deserves another post. I'm wearing my favorite yellow green Memo shirt na sinusuot ko na since 2nd year high school (believe me it's true). LOVE YOU ALL GUYS!!! WISH ME LUCK! May the next chapter of my life be as interesting and great as this one... or even better, why not? ian(",) here!


ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)   ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",) ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)ian(",)

 
*note* images used in this posts are done in adobe illustrator and adobe photoshop! actually walang kinalalaman sa post nakakatuwa lang kaya pinost ko... hehehehe! I love drawing piggies arent't they cute!!!!


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Friday, September 03, 2004
Comments (2)  

Thursday, September 02, 2004
Pag namomroblema...tambling ka lang!

Believe in Yourself EMILY MATTHEWS

Believe in yourself –

in the power you have

To control your own life, day by day,

Believe in the strength

That you have deep inside,

And your faith will help

Show you the way.

Believe in tomorrow

And what it will bring –

Let a hopeful heart carry you through,

For things will work out

If you trust and believe

There’s no limit

To what you can do.


Minsan may mga panahong sumusuko tayo pag meron tayong problema. Akala natin di natin kayang lutasin ang mga bagay na humahadlang sa mga nais nating gawin. Nawawalan tayo ng tiwala sa sarili. Isang magandang gawin ang pagkilala sa iyong sarili. Alamin mo ang iyong mga kakayahan at limitasyon. Huwag kang mahiyang mayroon kang di kayang gawin – natural lang yan. Wag mong hayaang maging balakid ang iyong limitasyon sa sa iyong kakayahan. Magtiwala kang kaya mong lutasin ang mga problema mo. Minsan nakakalimutan nating mahalin ang isang pinakamahalagang tao sa buhay natin. Oo ang sarili mo ang tinutukoy ko. ‘Wag nga lang sosobra dahil ‘di rin masyadong maganda ang kakalabasan. Kilalanin mo ang sarili mo at mula dito ay gawin mo ang tama. Naisip ko lang i-post to just to remind everyone love themselves. Paano mo nga naman ipakikita sa iba ang pagmamahal kung ang sarili mo di mo kayang mahalin? Just think about it. Believe, trust and love yourself then share your faith, trust and love to someone you love and care about. I just did! Ian(“,)

  This is Shaine - a sepraphim. I did the manual illustration late 2002. And the color rendering in Photoshop last year pa. This is actually an unfinished work. I just posted a small one for the reader's viewing pleasure (in short para di nakakainip tingnan ang post na ito). This post is for those people who sometimes feel sad and tend to blame themselves.

Hello to all my blogpals out there! To plue, meann, edong, trish, aaron, carlo, jam, pam, patty, adrian, maris, idlemind, claire, paul, ms. dea, ralph, iya, leigh, anepotz, angie, linrei, parekoy, zoan, janet, vaknoi, lander....at sa mga di nabanggit na mga kaibigan ko! Tenkyu tenkyu! Hope you find mind blog interesting and reader friendly! weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!! ian(",)

(",)It's 11:18am I just came in sa opis galing ako sa malapit sa balintawak... kumain sa Jollibee farmers market at nabyahe patungong EHDI! Halfday ako pero I just had the birthday present that I wanted! Next time ko na lang ipopost yung tungkol dun... heheheeh!

(".)Ahehehehehe ang sarap ng spaghetti! di ko na muna ikwekwento yung tungkol sa nangyari sa dinner namin kahapon bukas nalang okies! CIAO! ian(",)here

 


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Thursday, September 02, 2004
Comments (3)  

Wednesday, September 01, 2004
The day it was and ...

(".)Bilib ako kay Bayani Fernando ng MMDA noon. Simula ng ginawa nila ang nakakapag-init ng ulo na sistema sa Cubao. Watdapak! More than 30 minutes akong nag-aantay everysingle time sa cubao bago makauwi. Parang di masyadong pinag-isipan ang ginawa nila. Nakakaasar at sobrang arrrrrgggghhh!!!! I hate the new system they are implementing sa loading and unloading areas ng cubao!!!! Buti nalang hanggang Friday ko na lang titiisin ito… salamat naman.


("o)Wala akong pera sa ngayon! Hindi ko nakuha ang sweldo ko kahapon. Last pay ko na kasi e… iintayin pang mapirmahan ang clearance ko. Sayang yung shirt na gusting-gusto kong bilhin. Regalo ko pa naman sana sa birthday ko yun para sa sarili ko. Haaay…. Hirap naman nito.

 

("-)Kahapon mayroong dalawang applicants for my position sa company. Sana ay may matanggap na sila na bagong GA na papalit sa akin. I really want to be free from EHDI. Pero aaminin ko nalulungkot din ako kahit kaunti (Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!)

 

(",)Mamaya ay mag didinner kami ng mga officemates ko. Kasama naming yung mga naunang umalis sa EHDI. Probably eto na yung last dinner namin together. Namiss ko na nga si Ting e (two weeks na kasi syang suspended). Me bagong Marketing assistant na papasok ngayon. Ano kaya ang itsura nun? Hmm… hanggang kelan kaya siya tatagal?


(",)Ayw mng magmahal? Bkit? Kc malungk0t pg iniwan k? kc mlungkot pg cnaktan k? kc malungkot pg d k nya mahal? Per0 sa gnaw mng pagiwas s kalungkutan, MASAYA K B? --- Jaimedoodles 31- Aug 2004 21:34:45


Come to think of it parang napapanahon ang text na ito. Ewan ko ba ako ang isa sa mga pinaka insensitive na tao. I trained my self not to show and give too much affection to other people. Madami naman akong kaibigan pero something more than that – ewan! Minsan inaamin ko napapraning na ata ako pag naiisip ko na wala akong luvlife. Paano ako magkakaroon e mahilig akong umiwas. Pa g gusto ko naman e sa kasamaang palad nagiging commited yung taong gusto ko. Malas lang siguro ako… nyaaaah hindi rin, naniniwala nga pala akong isa ako sa taong kasama ang swerte san man magtungo. Malamang hindi ko palang nakikita yung taong magpupuno sa mga bagay na wala ako. Or yung taong pupunan ko ng mga bagay na wala sya. Wala palang sigurong taong may kakayahang magbukas ng tarangkahang matagal ko nang isinara. Malay natin baka kapareho ko lang siya ng nararamdaman sa ngayon. Sana pag natagpuan naming ang isa’t isa ay… STOP! Naalala ko nga pala ayoko ng ganitong mga pagbabahagi ng buhay… heheheh! Tama na ito nagiging mushy nanaman ako e. ian(",)


 has updated his deviant art page, care to visit!


 


Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Wednesday, September 01, 2004
Comments (3)  

Tuesday, August 31, 2004
Ala lang naisip ko lang kagabi na gawin ang post na ito!

Here are some of the people that made me feel good in one way or another (actually yung iba dito e yung mga gusto ko lang talaga). Some of these people inspired me through the years. Yung iba e mga taong gusto kong mameet. I just want to share my thoughts about these gifted individuals. Here it goes(sana e makarelate kayong mga readers...hehehehe).


  Jennifer Garner - Actress; I like the way she does her role sa Alias. Nakakabilib ang stunts at acting. She is not the usual super voluptuous sexy girl. Hindi ko rin alam pero I find her so sexy and really beautiful (Wish I can see her in person). The reason: because she looks so smart and really appealing for me. I love the way she looks sa movie na Darerdevil. I am still finding a way to have an identical necklace she have from the movie. Sayang di ako makahanap ng image sa internet e... eniweiz. This image is from Maxim's sexiest female edition. I would love to have a picture taken with her... whew she's so hoooot!
  Lyndon Gregorio - Artist; creator of Beerkada; Isang araw sa EHDI ay meron akong kaopisina, Debbie rhose ang pangalang nya. Inlove cia sa works nitong si Mr. L at ako ay nahikayat nya. Then tuwing umaga e basa agad kami ng dyaryo at hinahanap ang page ng nasabing artist. Hanggang naadik na ako sa beerkada. He's more than the usual. Ginawan nya panga ako ng caricature nung nagpa autograph ako sa kanya sa megamall event. Nakakaiyak kaya yun! Ang saya ko nun! He's down to earth and nagrereply sa mga text messages (akalain mo yun... at inuupdate ka sa mga events). By the way he's truly a hottie as he said sa site nya hehehe!
  Michelangelo - Renaissance Artist; Cia ang favorite kong artist ng Renaissance period. My favorite among his works is the Pieta located sa Vatican. I have a book about him sa bahay. I've made a research on him in college and get to know him better through it. He is the best artist for me. Painter, architech and sculptor - he truly is a work of art himself. The story of his life is equally interesting as his works. Surely one of his masterpiece will find a way to your curious mind.
  Dexter Roxas - FK artist; Ronin core member; Siya nga oo sya ang dahilan bat bumili akong muli ng Funny Komiks nung valentines day year 1999. Dahil sa kanya ay nainspire akong ituloy ang mga komiks ko nung high skul. Hanggang ngayon ay isa sya mga major influence ko. Napakagaling nyang mag render ng pen and ink. The layout - superb! I really want to meet this guy! (work nya lang ang nailagay ko, ala akong mahagilap na pic nya e).


*Images here in this post for today are not my property. I just got it from their respective websites!

*I had a chat with Vaknoiski kahapon sana matuloy ang collaboration namin... hope Plue can join too!

*Nakachat ko din si Carlo kaninang umaga, hehehe susugurin ka namin sa bahay nyo. Malapit lang pala dito sa Malabon yan e!

*Sa lahat ng nagtatag at dumadaan dito... tenkyu tenkyu! (bantaan ko ba naman ang buhay nyo e... takot nyo lang - for my highskul frends). Love u all!

Nagtambling nanaman si Image hosted by Photobucket.comnoong Tuesday, August 31, 2004
Comment (1)  


Next Page




[RAVENFOX RENAISSANCE]


[i'm ian(",)! I'll be your blog guide.]



[SINO AKO?]


[ian(",) is on "kras" mode]
[21][professional artist]
[taga-malabon][walang probinsya]
[nakakatatlong trabaho na (technically)]
[pagod at puyat madalas]
[anime fan][telebabad][panganay]
[Virgo][September13][Neptune]
[dolphins][spaghetti][panda]
[playstation][arcade]
[adobe][corel][YM]
[painter][Singer?!][writer][dancer?!]
[single hanggang ngayon]
[kaibigan ng lahat]
[world domination...heheheh]
[oxygen men's line designer]
[natatamad at the moment]



[ how to know me better ]

[ YM : pulsar2v@yahoo.com ]
[ e-mail : ravenfox_ian@yahoo.com ]
[ e-mail : ravenfox_ian@hotmail.com ]
[ friendster : ravenfox_ian@hotmail.com ]
[ MySpace : iandj ]
[ SMS.AC : iansmiley ]
[ Pic-link : iandj ]
[ Hi5 : ian ]
[ Deviant art : artist-ian ]


[Kailan ako nagpost?]


<< September 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30



[Drop a Tag! Win a Friend!]




Para kay Niño::dude hapi bday!
I made this Jan 24,2005. For the bigger image click here.




Comics ito ng kaibigan ko bili kau!
This is an indie made by a friend of mine if you like to purchse pls tag me or email me. Thanks!




::Ang katotohanan ng buhay: Hindi lahat ng bagay ay sumasang-ayon sa gusto mong mangyari::

::Work like you don't need the money... Let passion, fulfillment and eagerness be your reason::




[silipin mo ito]

[kahuntahan]
[meann]
[plue]
[aaron]
[kulokoy]
[claire]
[trish]
[vaknoi]
[edong]
[pam]
[sleigher]
[anepotchi]
[janet]]
[zoan]
[franz]
[zhang]
[akin_iya]
[maris]
[iya_ganda]
[den~chu]
[riyunah~lola]
[nastasya]
[twistedwacko]
[storm]
[cza]
[pSyLeNtSpYdEr]


[blogs i go to]
[jam]
[loffy]
[adrian]
[idlemind]
[carmen]
[parekoy]
[ralph]
[iskratz]
[dea-tabs]
[lagsh]
[patty]
[angie]
[chris kamenashi]
[linrei
[ida]
[resty]
[lantis]
[azrael]
[shiela]
[kaye]
[max]
[yhell]
[ia(",)cutie]
[pedro]
[wylmer]
[jong.idol]
[mitch]
[yshie]
[bulalakaw]
[kaizen]
[abel]
[kiko.kras]
[blaise]
[alexis]
[cilina]
[nhel]
[beatrice]
[arnz]
[aYaH]
[terpsichoreans]
[paradox]
[stormwriter]
[thecalling]
[jace]
[jray]
[...]
[shally]
[jen]
[mrcx]
[maroux]
[ivan-girl]
[jhenskie]
[mark]


[FAVORITE ANIME GALS]


[FAVORITE ANIME LAD]



[dito ako naglalagi]
[friendster]
[anipike]
[photobucket]
[beerkada]
[myshoutbox]
[yahoomail]
[hotmail]
[gio-art]
[deviant art]
[blogger asylum]
[Olga's Gallery]
[GFXartist]
[WebGalleryOfArt]
[Oxygen]



[peborit posts ko]
[my comics' evolution]
[colored pencil works]
[how do I describe... me]
[first post: 27 july,2004]
[bertdey post]
[bakit pulsar2v ym id ko?/the red post]
[kaya ako nagblog dahil..]
[the ATC mini geb]




Ang me gawa ng lahat!



Desktop sa bahay!


[ang ian friendster pic]


Desktop sa opis!


[the incredibles interactive]



[Special thanks to meann! For being a wonderful friend!]





[Bawal gamitin ang lahat ng nakikita at nababasa dito ng walang pahintulot... or else!]





Copyright © 2004
Christian delos Reyes de Jesus
All Rights Reserved
16 August 2004



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed